Skip to content

Ang mga manggagawang Filipino na natraffick ay tumanggi sa suporta ng UK at Pilipinas

Ang mga nakaligtas sa trafficking na nagmula sa Pilipinas ay nahihirapan na makakuha ng suporta mula sa sariling bansa at sa UK

Ang mga manggagawang Filipino na natraffick ay tumanggi sa suporta ng UK at Pilipinas
Published:

Read this article in English

Ang parehong manunulat ng akda ay mga human trafficking survivor. Sa artikulong ito, nagsasalita kami bilang “kami” kapag naglalahad kami ng iisang pananaw habang tinutukoy namin ang mga sarili namin bilang Sahara at Wendy kapag tinutukoy ang pagbabalik-tanaw namin sa aming indibidwal na mga karanasan.

Bilang mga taong nakaligtas ng human trafficking bilang mga domestic workers, nakararanas kami ng dalawang hadlang patungo sa buhay na gusto namin naming pamunuan: una sa kamay ng mga trafficker, at ikalawa, sa tuwing nahaharap kami sa hinala at pag muli namin naaalala ang aming trauma sa kamay ng mga serbisyong nabuo para suportahan kami. Ang mga hadlang na ito ay delikado at kailangan itong madaig.

Kamaikailan lang ay nagsagawa kami ng pagsisiyasat sa mga karanasan ng mga trafficking survivors kapag bumabalik sila sa kanilang bansang pinagmulan. Sa Pilipinas, natagpuan namin na marami sa kanila ay nakararanas ng parehong mga pagsubok na pinagdaanan ng mga trafficking survivors sa UK.

Sa parehong bansa, ang mga survivor ay nahirapan makakuha ng suporta. Sa dalawampu’t-dalawang na-interbyu sa Pilipinas, 73% sa kanila ay hindi nakatanggap ng kahit anong suporta mula sa gobyerno o mga NGO sa kanilang pagbalik sa bansa. Dahil dito, maraming nahirapan makakuha ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pang-gamot, at edukasyon. “Minsan humihingi pa ako ng pagkain para lang magkaroon ng kakainin sa isang araw.” lahad ng isang na-interbyu.

Ang mga Pagsubok ng Burukrasya

Ang pagtanggi ng serbisyo ay kadalasang may kinalaman sa hindi pagkamit sa mga naturing pamantayan. Dahil hindi pinaniniwalaan, maraming mga na-interbyu ay nagbahagi kung paano sila nahirapan makakuha ng suporta dahil hindi sila makapagbigay ng dokumentong kinakailangan para patunayan ang kanilang kaso.

Si Animor na nakaranas ng trafficking sa Saudi Arabia, ay naglahad na madalas siyang tinanggihan ng kanyang amo na bigyan ng pagkain. Ang kanyang timbang ay bumaba sa 46 na kilo na lamang mula kanyang unang timbang na 71 ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang mga amo na magpatingin sa doktor. Sinabihan lamang siya na lunasan ang sakit gamit ang Panadol.

Ipinatapos ni Animor ang kanyang kontrata nang mas maaga ng dalawang buwan at bumalik sa Pilipinas. Sa kanyang pagbalik ay humingi siya ng suporta mula sa Overseas Workers Welfare Agency (OWWA) para sa mga bayarin sa ospital. Maari niya naman itong makamit, ngunit dahil tinanggihan siyang ipagamot ng kanyang mga amo, wala siyang maipapakitang medical certificates para patunayan na siya ay may sakit na dulot ng sobrang pagtatrabaho at pagkagutom sa ibang bansa.

Hindi nagtagal ay pumanaw si Animor sa edad na 47, dahil hindi nabigyan ngpanggamot.

Pagkatapos ng kanyang pag-interbyu kay Animor, Inilahad ni Wendy ang mga karanasan niya sa OWWA at ipinaliwanag ang kalagayan ng pamilya ni Animor pagkatapos ng kaniyang pagpanaw. Pagkatapos ng paglalahad ni Wendy, dinalaw ng mga case worker ng OWWA ang pamilya ni Animor sa bayan. Sinabi ng kanyang mga kamag-anak sa amin na hiningian sila ng mga kopya ng kaniyang birth, marriage at death certificates. Ang mga ito ay mahal maipagawa. Malaking bahagi rito ang pangangailangan na tumungo sa lungsod para maiproseso ang mga papeles. Walang pera ang pamilya upang maisagawa ito ngunit hindi makakapagbigay ng suporta ang OWWA hangga’t hindi natatanggap ang mga hinihinging dokumento. Sa ngayon, wala pa ring natatanggap na pera ang pamilya kahit anong tulong para sa paglibing kay Animor.

Nakaligtas ako sa pagsasamantala bilang isang domestic worker ngunit hindi ko alam kung makakaligtas ba ako sa sistema ng UK na ginawa upang “tulungan” ako

Ang mga pagsubok ng burukrasya ay nagmumukhang may katuwiran lamang para sa mga taong hindi sila kailangan pagdaanan ngunit maaring maging imposibleng malampasan ng mga taong naghahangad ng kaligtasan, Dito sa UK, pareho kaming natanggihan ng suporta dahil hindi kami nakapagbigay ng ebidensiyang hinihingi ng mga kinaukulan.

Ito ay dahil, bilang mga domestic workers, kami ay nagtatrabaho mula sa mga saradong pintuan. Walang nakakakita sa amin at sa aming paghihirap bukod sa aming mga amo na madalas na kinukummpiska ang aming mga telepono. Kinukuha sa amin ang mga gamit na kailangan namin para magtala ng ebidensya. Ang malala pa rito ay nangyayari ito pagkatapos namin matutunan kung anong klaseng ebidesya ang kailangan naming kolektahin. Sa aming pagdating sa ibang bansa, hindi kami nakatatanggap ng impormasyon tungkol sa aming karapatan. Hindi kami naturuan kung paano idokumento ang mga pang-aabuso bago pa namin ito maranasan at kapag nakatakas na kami, hindi namin alam kung sino ang aming mapagkakatiwalaan.

Dahil sa mga sitwasyong ito ay tila isang milagro na may isa sa amin na makakuha ng suporta.

Nakaligtas saan?

Si Saharah ay nakatakas sa kaniyang mga amo nang walang pera, telepono, at hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nang may makausap na NGO, sinabihan siya na naniniwala silang siya ay “exploited” pero hindi “trafficked”. Tinanggihan siya bigyan ng tulong bago pa man siya makilala nang harapan.

“Kinailangan ko pang hanapin sa google ang salitang ‘exploited.” Paliwanag niya “Hindi ko alam ang ibig sabihin nito, ang alam ko lang ay hindi ko na ito matitiis pa nang mas matagal”.

Ito ang nagpapatunay ng aming pagbubukod mula sa iba. Sa tuwing ang mga salitang walang kabuhuluhan sa aming karanasan ay hindi makatao. Walang matutulugan si Sahara kung hindi siya natagpuan isang hostel porter na pinayagan siyang manatili sa hostel hanggang makakuha siya ng tulong mula sa gobyerno. Ang Home Office ay di sumang-ayon sa pagsusuri ng NGO at ngayon ikinikilala na si Saharah bilang isang biktima ng human trafficking.

Gustong malaman ni Wendy kung maari niya bang tawagin ang sarili niya bilang “survivor”. "Nakaligtas ako sa pagsasamantala at pang-aabuso bilang isang domestic worker ngunit hindi ko alam kung makakaligtas ba ako sa sistema ng UK na ginawa upang “tulungan” ako."

Sumasangayon si Saharah at sinasabing: “Ang gobyerno ng Pilipinas ay trinato tayo bilang mga kalakal. Ang mga amo ay trinato kami bilang mga alipin at ngayon, tayo ay nasa UK at pinapahirapan tayo ng bansang ito.”

Habang ang aming mga dating amo na mga salarin sa pang-aabuso, ay malaya.

Hindi Makataong Pagtanggi

Hindi lang tayo basta biktima ng trafficking sapagkat ang sistema ay hindi tayo kinikilala bilang mga ina, asawa, kapatid, aktibista, trabahador, at mamamayan. Ang kahulugan ng ating mga buhay ay higit pa sa ating mga pinagdaanan ngunit ang sistemang ito ay naghuhubad sa atin ng ating kalayaan para sa karapatan sa trabaho, mapagmahal na relasyon, at pribilehiyong mabuhay kung saan natin nais.

Kinakailangan natin ng mga makabagong sistema na nirerespeto ang mga biktima at ang aming mga karanasan. Ang mga kinauukulan at mga tanggapan nangangailangan ng matinding pagsasanay upang makilala nila ang “special vulnerability” na nararanasan ng mga domestic workers sa mga pribadong tahanan. Ang kahinaan na naglalantad sa amin sa abuso habang pinapahirapan kaming patunayan ang mga naganap dito.

Kailangan din natin mapakinggan para makabuo ng tiwala sa mga kinauukulan at tanggapan na ginawa upang suportahan kami at nais din namin ng mga papeles na madali naming makukuha at maisasagawa, kesa maging hadlang ito para sa amin.

Tatawagin lamang namin ang aming mga sarili bilang mga nakaligtas kapag maari na kaming mabuhay nang walang hadlang at may tamang karapatan, kapag nakakapagtrabaho kami kapiling ang aming mga pamilya, at kapag kaya namin ilahad ang aming mga karanasan sa ating mga komunidad.

Hindi natin kailangan baguhin ang ating mga sarili para maging totoo ang pangarap na ito. Ang sistema ang kailangan magbago.

Ang The Voice of Domestic Workers ay isang network ng suporta at kampanya na pinapatakbo ng at para sa mga domestic workers na nakakaranas ng pagsasamantala at pang-aabuso. Makipagugnayan sa organisasyon dito Voice of Domestic Workers.

More in Home: Opinion

See all

More from Wendelyn Nova

See all